Hiwaga Sa Ganda Ng Isla De Gigantes

Authors

  • Rozel Ann Palomillo Gayuma Gabi Elementary School Author

Abstract

Hindi na makatulog ang batang si Joel sa sobrang excited sa bakasyon ng kaniyang pamilya sa Isla de Gigantes.  Binisita nila ang kanyang Lola Lina na dito naninirahan. Dapithapon na kasi ng sila'y dumating sa isla kaya't hindi na nakapaglibot pa.

                      "Hayyyy, hindi na ako makapaghintay na magtampisaw sa malinaw na tubig at maglaro sa gilid ng dalampasigan kasama ang aking mga pinsan" , nakangiting saad nito sa kanyang sarili.

Sa kalagitnaan nang masayang pagpaplano ni Joel sa kanyang mga maaring gagawin kina umagahan sa isla,  pumasok ang kanyang ina,

                     " Matulog kana anak at maaga pa tayong bukas", sabi nito at agad-agad ding lumabas.

Kahit na alam ni Joel na hindi na siya masyadong makatulog dahil sa galak ay humiga pa rin siya sa kanyang higaan at pinilit na ipinikit ang kanyang mga mata. Ilang oras nang nakahiga si Joel ay hindi pa rin siya dindalaw ng antok kaya nagdesisyon siyang tumungo sa kusina at uminom ng gatas.

                     " Nasaan ba ang gatas dito nina Lola?", tanong ni Joel sa sarili. Habang naghahanap si Joel naabutan ito ng kanyang Lola Lina na tila nagising sa ingay na dulot nang kanyang paghahalungkat.

                    " Bakit gising kapa, apo? ", tanong nito habang papalapit kay Joel. "Ah, eh hindi po ako makatulog Lola eh, kaya naghanap ako nang maiinom na gatas", tugon naman ni Joel.

Ibinigay sa kanya ng kanyang Lola Lina ang gatas na nasa itaas pala ng tukador at agad nakangiting nagsalita, "Apo, matulog kana agad ha at naway maging masaya ka sa aking kakaibang regalo para sa iyo". Pagkatapos nang saad ng kanyang Lola Lina ay ipinatong nito ang kanyang makulubot na kamay sa ulo ni Joel at agad na itong umalis.  Nagtaka si Joel sa isinaad ng matanda dahil wala naman itong naibigay na regalo sa kanya ngunit ipinagwalang bahala niya iyon,

                   " Talagang makakalimutin na si Lola", nakangiti at pa iling-iling sabi nito at agad na umakyat sa kwarto habang umiinom nang gatas.

Pagkarating ni Joel sa kwarto ay tila nagpupumilit nang pumikit ang kanyang mga mata. "Sa wakas inaantok na ako", sabi pa nito.  Ipinatong ni Joel ang ngayo'y wala nang laman na baso sa maliit na lamesa sa gilid ng kanyang higaan at tuluyan na nga siyang nakatulog.

Nagising si Joel sa kalagitnaan ng kanyang mahimbing na pagtulog dahil parang nababasa  siya. Idinilat ni Joel ang kanyang mata at bigla siya kinabahan dahil nakita niya ang kanyang  higaan na palutang-lutang sa malawak at asul na karagatan. Ni walang isla na masisilayan mula rito.

                  " Ano'ng nangyayari?" kisap mata niyang saad habang pailing-iling na tila hindi makapaniwala sa nangyayari. Hindi pa na ayos ni Joel ang sarili ay may narinig siyang malalakas na tinig na tila nag-uusap.

                   "Malapit na ba tayo?" isang malaking tinig ng babae ang  kanyang narinig na nagsalita mula sa kanyang likuran.  Dahan-dahan siyang lumingon at manghang-mangha sa nakita. May dalawang malalaking tao na naglalakad patungo sa kanyang kinaroroonan. Isang lalaki at isang babae, ang lalaki ay may dalang isang malaking bandi na tila may lamang mga gamit, kakaiba din ang kanilang kasuutan at ang malalim na asul sa dagat ay hanggang tuhod lamang ng mga ito. 

                        "Mga Higante! Ahhhhhhhhhh!"  natatakot na sigaw ni Joel. Nanginig sa takot si Joel at mas lalong nadagdagan ang kanyang takot nang makita niyang dumako ang atensiyon ng mga ito sa kanya. "Magandang araw bata", saad nang babaeng gigante na kailangan pang yumuko para makausap siya.  W...wag mo po akong saktan", utal-utal na sabi ni Joel. "Hindi kami masasama, ako nga pala si Gigatuna", saad nang babaeng higante  "at siya naman si Gigantilyo ang aking asawa", sabay turo sa lalaking higante sa kanyang tabi.  "Magandang umaga bata", saad naman ng lalaking Gigante.    "Kami ay naglalakbay upang makahanap ng bagong tahanan", nakangiting dagdag pa nito at nagpatuloy na kanilang paglalakad.

Tumango na lamang si Joel dahil tila biglang nawala ang kanyang dila dahil sa hindi parin mawalang  kaba. Pinanuod na lamang niya sina Gigantuna at Gigantilyo na naglalakad palayo sa kanya.

Ngunit hindi pa nakalayo ang dalawang higante ay namataan ni Joel ang tila namumuong lakas ng panahon na makakasalubong ng dalawa.

                       "Aaahhhhhhh!" lakas na sigaw ni Joel nang biglang kumidlat na may kasamang sumisigabong na kulog na nagmumula sa maitim na kalangitan.

Bago pa makasigaw ulit si Joel nakita na niya sina Gigantuna at Gigantilyo na nahihirapan dahil sa lakas nang hangin at ulan. Naabutan na pala ang dalawa. Kitang- kita ni Joel ang pagsitapunan ang mga dala nilang mga gamit sa loob ng bandi. Ang malaking isang kapares ng sapatos ni Gigantilyo ay biglang tumilapon. Sumunod naman na tumilapon ang dala nilang dalawang pomelo o cabugao, isang maliit at isang malaki.            

                      "Tumakbo na kayo", pasigaw na sabi ni Joel na tila biglang bumalik ang umurong na dila matapos masaksihan ang lahat. Ngunit tila wala nang lakas ang dalawa at hindi na ito umaalis pa sa kanilang kinatatayuan.

                      "Ahhhhhhhhhhhhh", "Waahhhhhhhh", tila hindi mawari na malalakas na sigaw nang dalawa habang piniplit na ilakad ang mga paa.  Nagsitapunan na rin ang iba pa nilang malalaking gamit na dala. Kalaunan ay bumigay na si Gigantuna, bumagsak ang kanyang katawan sa asul na tubig ngunit dahil sa kanyang laki ay nakikita parin ang malaking bahagi ng kanyang katawan. Sa tagal at lakas nang hangin at ulan si Gigantilyo ay humandusay narin sa gilid ni Gigantuna. Magkaharap ang dalawa na nakahadusay at nakapaligid sa kanila ang kanilang naglalakihang mga tumilapon na gamit.

Walang magawa si Joel kundi ay umiyak, " Huhuhuhu" , hagulhul nito " Paano na lang ako nito, kung si Gigantuna nga at Gigantilyo ay hindi nakayanan ang unos ako pa kaya na maliit?", dugtong pa nito habang tinititigan ang papalapit na malakas na ulan at hangin na nagtumba sa mag-asawang gigante.

 

 Umiyak na lamang nang umiyak si Joel. Hanggang sa nakaramdam ito nang mahinang pagtapik sa kanyang balikat " Anak!" "Anak!" sunod-sunod na tinig ng kanyang ina na tila tinatawag siya....At si Joel ay dumilat na ng kanyang mga mata.

 Inilibot ni Joel ang kanyang mga mata at nakita niya ang kanyang ina na nakaupo sa gilid ng higaan gayundin ang kanyang Lola Lina na may nakapang-asar na ngiti.

                             " Hay, panaginip lang pala ang lahat ang akala ko ay totoo na" isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.

                             " Ano ba kasi ang iyong napanaginipan at tila takot ka? " tanong nang ina. " Wala po iyon Mama", nakangiting tugon ni Joel.

                               " O, siya bumangon kana riyan at tayo ay maaga pang mag Island Hopping sa mga kapuluan nang Isla de Gigantes" sabi nang ina nito " bilisan mo at lilibutin pa natin ang  hugis tao na kapuluan ni Gigantuna at Gigantilyo gayundin ang Way Dahon na hugis sapatos, ang Cabugao Gamay(maliit) at  Cabugao Dako ( malaki), tiyak na mamangha ka sa mga hugis nito" dagdag pa nito at agad na lumabas ng pinto.  Nanlaki ang bagong gising na mga mata ni Joel dahil sa sinabi ng ina. Ang lahat na tinuran ng kanyang ina ay nakita niya sa kanyang panaginip kung paano ito nabuo at kung saan ito nanggaling.

                              "Nagustuhan mo ba ang aking kakaibang regalo, mahal kung apo? "sabat ng kanyang Lola Lina na may malapad na ngiti, " Isang maligaya at kakaibang  pagbabakasyon sa Isla de Gigantes aking apo".dagdag pa nito na hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi.

Author Biography

  • Rozel Ann Palomillo Gayuma, Gabi Elementary School

    Rozel Ann Palomillo Gayuma is a devoted educator at Gabi Elementary School, situated in the District of Carles under the Schools Division of Iloilo, Region VI. She is known for her passion for teaching and her dedication to nurturing the academic and personal growth of her students. Through her commitment to creating an inclusive and supportive learning environment, she plays a vital role in shaping young minds and contributing to the overall success of her school community.

Published

2025-05-29

Issue

Section

Creative Works