Ang Sorpresa ni Ina

Authors

  • Christine Joan B. Donguines, MAEd Cubay Elementary School Author

Abstract

Sa isang maliit na barangay ng Agdaliran, may isang bata na ang pangalan ay Lisa.  Siya ay nag-iisang anak lamang ng kanyang mga magulang ngunit lumaki sa kanyang lolo at  lola. Nasa ikalawang baitang na siya at palaging nangunguna sa klase. Si Lisa ay napakabait  at magalang na bata. Kaya’t mahal na mahal siya ng kanyang Lola Rosa at Lolo Karding.

Isang araw, nakita ni Lola Rosa na malungkot ang kanyang apo na si Lisa. “Apo, kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala sa puno ng mangga.” Nagulat at napatayo bigla si Lisa. “Lola Rosa, mano po. Bakit niyo po ako hinahanap Lola?” Inalalayan ni Lisa na makaupo ang kanyang Lola sa upuang kahoy na gawa ng kanyang Lolo Karding. “Ah, apo, ilang araw na kitang nakikita na malungkot. Alam kong malapit na ang iyong kaarawan at gusto mo ng umuwi ang iyong ina,’ nag-aalalang sabi ni Lola Rosa. “Halos tatlong taon ko ng hindi nakikita si Ina at alam kong habangbuhay na hindi ko na makikita si Ama. Siguro masaya na siya ngayon kasama ang panginoon,” malungkot na sabi ni Lisa. “Apo, tandaan mo na mahal na mahal ka ng iyong ama’t ina. Balang araw uuwi at magkakasama rin tayo ng iyong ina,” nakangiting sagot ni Lola Rosa.  Masayang niyakap ni Lisa ang pinakamamahal niyang Lola.

 

Araw ng sabado at maraming tao ang dumating sa bahay nina Lisa. Karamihan na dumalo sa kanyang kaarawan ay ang kanyang mga kamag-anak at kaklase. Maraming pagkain ang inihanda ng kanyang lolo at lola. May iba’t ibang laro at maraming regalo. Masayang-masaya si Lisa sa kanyang ika-walong kaarawan at masayang pinasalamatan ang lahat ng dumalo lalong-lalo na ang kanyang Lolo Karding at Lola Rosa.

Gabi na at nakauwi na ang lahat ng bisita ng biglang may tricycle na pumarada sa harapan ng bahay nina Lisa. Dahil gabi na ay hindi masyadong namumukhaan ni Lisa ang babaeng papalapit sa kanya. “Lisa, anak!” masayang sambit ng babae. At doon namukhaan ni Lisa na ang babaeng papalapit sa kanya ay ang kanyang Nanay Carla. Masayang napayakap ng mahigpit si Lisa sa kanyang ina. “Salamat ina dahil umuwi ka sa kaarawan ko. Sobrang saya ko po! Eto na ang napakagandang regalo at sorpresa na natanggap ko sa buong

buhay ko.” Masayang nagyakapan ang mag-ina at sa mga sandaling iyon, napaiyak naman sa tuwa ang lolo at lola ni Lisa.

Author Biography

  • Christine Joan B. Donguines, MAEd, Cubay Elementary School

    Christine Joan B. Donguines, MAEd, is a committed Teacher I at Cubay Elementary School, part of the District of San Dionisio under the Schools Division of Iloilo, Region VI. With a Master’s degree in Education, she brings both expertise and enthusiasm to her teaching practice. Her dedication to academic excellence and holistic student development reflects her passion for shaping the future through quality education.

Published

2025-05-29

Issue

Section

Creative Works

Categories