Artipisyal na Katalinuhan: Nakakatulong Ba? O Nakakasira?
Abstract
Artipisyal na katalinuhan, AI kong tawagin.
Di gaanung tao, kong mag isip ay malalim.
Sa larangan ng teknolohiya sumisibol, yumayabong
Makina na mabilis, sa pagresolba ng problema agad may aksyon.
Ngunit sa emosyon at pagmamahal, walang alinlangan.
Sa ibinibigay na kasagutan, ay wala kang maramdaman.
Pagkat ito nga ay makina na walang puso at karamdaman.
Na akala nang iilan ay siya lang ang malalapitan.
Aklat at utak, sa tao’y naging walang silbi
Di na pinapansin ayaw nang hintayin
Solusyon na maisip, ayaw nang tanggapin’
Pagkat agad-agad sa AI ay tanging aalamin.
Ngunit ano nga ba ang epekto ng AI na ito?
Artipisyal na kaalaman, para sa akin at sayo?
Nakakasira ba , o Ito ba ay nakakatulong?
Sa iilan na maging tamad at ayaw ng matuto.
Ang tanging kasagutan ay iisa lang ang panalo
Sino ang mananalo sa usapang ito, Ang AI parin ba o ang isip mo?