Gaano Ka Katibay?
Abstract
Isang guro si Fe sa Elementarya, nakapasok sa pagtuturo sa edad na 25 gulang. Maraming napagdaanan na hirap bago makapasok pero hindi siya natinag. Lumaki si Fe sa hirap na ang ikinabubuhay ng magulang ay pangingisda lamang. Panglima sa siyam namagkakapatid si Fe. Noong June 28, 2018 ay natagpuan at ikinasal si Fe sa kanyang kasintahan na si Ariel isang pulis. Biniyayaan sila ng isang babaeng anak noong taong 2019. Bumabyahe ng isang oras si Fe na nakamotorsiklo mula sa bahay niya papunta sa paaralan. Humaharap sa mga bata na tila walang pagud sa kanyang mukha.
Dumating ang taong 2022, sinubok ang katibayan ni Fe, buntis sa pangalawang anak ngunit namatay naman ang kanyang asawa sa hindi maipaliwanag na sakit. Dito nagsimula ang maraming katanungan ni Fe sa Panginoon, “bakit asawa ko pa ang kinuha mo?”, “Paano na ako, kami ng mga anak ko?” Ngunit dahil sa mga taong nagbibigay lakas sakanya ay nagpatuloy sa pamumuhay si Fe kasama ang kanyang dalawang anak na babae na si Kia at Kaye.
Araw-araw gumigising si Fe na may kalungkotan ang puso nawala na ang taong kasama niya sana sa hirap at ginhawa. Ngunit ina at guro siya, hindi mo makikitaan ng kalungkutan o sakit ang mga mata niya pero sa kaloob-looban ng puso niya ang sakit na hindi nakikita nino man. Anong tibay ng puso’t katawan ni Ma’am Fe bumabyahe ng mahigit isang oras papunta sa paaralan kung saan siya nagtuturo, init at ulan hindi iniinda makapagturo lamang sa mga bata na may kasiyahan. Hindi niya ginagawang dahilan ang mga problemang dumating sa buhay niya para hindi maibigay ang quality education na kailangan ng bawat bata na kanayang tinuturuan.
Pagdating ng hapon uuwi siyang pagud sa kaniyang mga anak, pagud ay napapawi dahil sa yakap at halik na salubong ng mga anak. Ang tangi niyang kayamanan na naiwan ng kanyang mahal. Ito ang nagbibigay lakas sa kanya upang magpatuloy sa buhay, nawalan man siya ng isa mayroon naming pumalit na dalawa. Alam natin na iba parin na may katuwang sa buhay ngunit kung plano ng Panginoon ay iba sa ating plano wala talaga tayong magagawa.
Ngayon, si ma’am Fe ay marami ng naipundar material man na bagay o lakas sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Hindi natitinag sa mga masasamang salita kanyang naririnig bagkos ito ang nagbibigay lakas sa kanya na magpatuloy at gumawa ng tama. Balikan ang mga magulang na naghirap para makapagtapos ka sa pag-aaral. Nag-iisa man siya bilang isang ina at ama na sa mga anak pero ang Diyos ay kasama niya. Babaeng matibay handa sa anumang hamon ng buhay.
Mga kababaihan ating tularan si Ma’am Fe nagging matibay sa kabila ng hirap, sakit at pagud na kanyang pinagdaanan. Babae tayo! Hindi babae lang.