Mahal na Guro
Abstract
M- Maraming bagay ang sa amin ibinahagi
A- Angkop na pagtuturo at walang atubili
H- Hanggang sa ako’y matuto, at sa isip ay ibaon
A- Ang mahalagang aral, dadalhin sa paglaki.
L- Lalo na mga alaala ng gurong di makasarili.
N- Nang unang mapasok sa aking paaralan,
A- Ako’y isang batang walang kamuwang-muwang.
G- Ginawa niya ang lahat upang ako ay matuto
U- Ubod ng sipag, may tiyaga at may puso.
R- Regalo ko sayo’y taos pusong pasasalamat,
O- Ordinaryo ka man sa iba, sa akin ika’y isang ALAMAT.